elevation: 2,047 m (6,681 ft.) difficulty: hard pitong bundok ang tinawid namin para lang makapunta sa paa ng Tapulao! akalain mo yun? 12 oras kameng naglalakad paakyat, simula 530 ng umaga hanggang 530 ng hapon. kung hindi lang sana sa pag antay sa mga napakakupad na tao e napaigsi sana ang oras namin. pero ok lang, nangyari na ang dapat mangyari. at hindi mo rin sila masisisi kasi napakatarik ng ibang parte. yung iba nga kelangan pang huminga ng 10 minuto bago dumiretso sa ascent e (jok lang, mga 5 minuto lang) yung iba naman tinulugan kame. kaya nag antay kame ng 2 oras sa water source, pero tulad ng sinabi ko nangyari na ang dapat mangyari. pagdating sa "bunker", gnawa lahat ng dapat gawin at natulog (napakalamig sa gabi, nagising ako sa sobrang lamig). kinaumagahan, assault papuntang summit. tapos bumaba. tapos pauwi, sumakay na lang kame sa truck na nagdadala ng mga bato pababa sa bundok, edi ang saya ng lahat. ngunit naiwanan pa kame ng last trip ng victory liner papuntang pasay, na syang ikinatuwa ng ibang tao. hindi ko na alam anung gagawin ko, buti na lang at may biyahe pa papuntang caloocan ang victory, na sya namang ikinaraos naming 4 ni shar, sept, sewa at ako. 1030pm, nasa manila na kame, at sinamahan ko sila kasi d nila alam ang lugar na binabaan namin. pagkatapos umuwi ako.
wakas
honda kawasaki 4 Comments
|